Wednesday, September 13, 2006
tripshots.. ala lang.

wala lang. magdidisplay lang ako ng mga pictures kase wala akong magawa. walang pakialamanan ng pics ha, kuha lang yan ng semi-reliable kong celfonena. sana lang talaga may magbigay sa akin ng magandang camera.Wink


ganito kaganda ang talaudyong... somewhere in the west coast of puerto princesa city. palawan has the most beautiful beaches, i swear. sabi nga nila, if you want to have a vacation to unwind & relax, palawan is the best place to go. what could be the best word to describe palawan? paradise... in its own way. the Divine should hail in this place.


di ko matandaan kung anong exam ang katatapos lang ng mapagtripan namin ng mga college buds na magpictorial sa kahabaan ng main road ng PSU. heheh. pero eto ang pinaka-love ko sa lahat. naku naman, sabi ko naman kasi mag-pose! mukhang si cy lang ang nag-emote. anyway, hanapin nyo ako!

i can't remember what happened to me this day... but i know that my sanity is not with me when i took this shot. argh... wutevah!!


 


Posted at 09:19 pm by i_am_xtine
Make a comment  

Monday, June 26, 2006
one of my favorites... share ko lang.

HANDS (Jewel)
If I could tell the world just one thing  It would be that we're all OK  And not to worry 'cause worry is wasteful  And useless in times like these
I won't be made useless I won't be idle with despair I will gather myself around my faith For light does the darkness most fear





My hands are small, I know But they're not yours, they are my own But they're not yours, they are my own And I am never broken

Poverty stole your golden shoes It didn't steal your laughter And heartache came to visit me But I knew it wasn't ever after

We'll fight, not out of spite For someone must stand up for what's right 'Cause where there's a man who has no voice There ours shall go singing

My hands are small I know But they're not yours, they are my own But they're not yours, they are my own I am never broken
In the end only kindness matters In the end only kindness matters I will get down on my knees, and I will pray I will get down on my knees, and I will pray I will get down on my knees, and I will pray

My hands are small I know But they're not yours, they are my own But they're not yours, they are my own And I am never broken
My hands are small I know But they're not yours, they are my own But they're not yours, they are my own And I am never broken
We are never broken We are God's eyes God's hands God's mind We are God's eyes God's hands God's heart We are God's eyes God's hands God's eyes We are God's hands We are God's hands

Posted at 09:16 pm by i_am_xtine
Make a comment  

Monday, June 19, 2006
KALBARYO SA DYIPNI

nakakaloka ang byahe ko kanina papuntang school. di man lang nakarating ng school ang freshness ko. ugh! at ang may sala? ang lintek na jeep na nasakyan ko.

una sa lahat, sumakay ako ng jeep dahil wala na akong choice. 15 minutes na akong nabibilad sa araw sa kahihintay ng cab pero walang dumadaang "peisyu-bayan-sitihol". anim na jeep na may nakasulat na "peisyu-bayan-sitihol" sa gilid ang nagpapansin sa akin at nagbabakasaling sasakay ako sa kanila pero dinedma ko lahat. tse! ambabagal nyo! ambaho pa ng usok nyo! di pa kayo marunong mag-estimate ng balakang ng mga pasahero nyo. basta may pasahero pasakay lang kayo ng pasakay. parang pambarko pa ng mga busina nyo! tse kayong lahat! hmp!

pero mukhang ginagabaan ako sa panlalait ko sa mga jeep. kasi mukhang walang balak bumiyahe ang mga cab ngayong araw na to. nang mapansin kong malelate na ako pag nag-inarte pa ako, sinabi ko sa sarili kong sasakay na talaga ako pramis, pero hopeful pa din na cab ang susunod na dadaan. pero hindi yata ako malakas kay bossing ngayong araw na to dahil hindi nya ako pinakinggan.

so ayon. jeep pa din ang dumaan. wala na akong choice, sumakay na ako. mag-iinarte pa nga ba ako??

hmmm... may naamoy akong hindi kagandahan. dalawa lang ang suspect.. either yung lalakeng katabi ko sa kaliwa o si manang sa kanan. hindi naman ako laitera ano, i'm the kind of person na magpapasalamat na lang kay bossing dahil wala akong diperensya sa pang-amoy kaya pinigilan ko na lang muna ang paghinga. buti na lang maluwag at hindi sila masyadong nadidikit sa akin.

ayon, tuloy ang byahe. sabi ko na nga ba dapat hindi lang driving abilities ang qualifications para maging driver eh, dapat magaling din mag-estimate ng balakang ng mga pasahero nila.

"lima pa, lima pa!"

lima pa daw o! e tatlo na nga lang ang bakante. ano to, kalungan? apat ang sumakay. kawawa yung isa dahil parang 1/8 na lang ata ng puwet nya yung nakakaupo, kung upo man ang tawag dun. kawawa din ako... pano, dikit na dikit na talaga ako sa mga katabi ko. ayun, nakilala ko tuloy kung sino ang nagpopollute ng air. hulaan nyo na lang kung sino. medyo yinuko ko na lang yung katawan ko... kasi yung kilikili nya nakadikit sa balikat ko. baka dumikit din yung amoy, nakalimutan ko pa namang dalhin yung cologne ko.  kung bakit ba naman kasi kailangan humawak pa sa taas eh.

nang biglang nagpreno si manong! my G! dahil nakahawak siya at ako ay hindi, bumangga ako sa kilikili nya! bwisit ka manong! di ka marunong magpreno! lintek kaaaa!

wala na, sira na ang araw ko. tapos, arangkada ulit si manong. pumasok ang milyon-milyong dust particles sa loob ng jeep na nakakacause ng wrinkles, pimples at blackheads! hindi ako maarte sa pagmumukha pero sa mga ganitong sitwasyon lumalabas ang kaartehan ko. my G! ikaw kaya sa kalagayan ko. super takip na ako ng mukha.

pagdating sa san pedro, sa di malamang kadahilanan nagbusina ng pagkatagal-tagal si manong. pambarko pa nga ata yung busina nya. so super tingin lahat ng pasahero sa harap. nakita ko din na nakatingin lahat ng tao na nasa tabi ng daan. manong ano ba! would you shut that thing out! kamusta naman ang binubusinahan ni manong... ung tricycle na namatayan ata ng makina sa gitna ng daan. alam kong malayo pa yong jeep ng bumusina si manong dahil hindi naman siya agad nagpreno. ang ibig sabihin, impatient si manong. manong, kung ikaw kaya ang nasa kalagayan ni mamang tricycle driver, hindi ka maiinis sa ginawa mo?? grrr ka talaga manong.

sa wakas, nakarating naman kami ng maayos sa school, un nga lang, ubos na ang freshness ko. pano pala kung makakasalubong ko dapat ngayon yung lalakeng mapapangasawa ko? malamang sasabihin nya sa akin pagtanda namin.. "honey, do you remember the first time we met? you look so haggard... hindi ka fresh". eh di ampanget ko sa first time that he laid his eyes on me diba, diba manong??? 

hay naku... i have nothing against you manong. naiintindihan kong kailangan mong maghanap-buhay para sa pamilya mo. pero sana naman ayusin mo ang paghahanap-buhay mo. nakakasira ka ng araw manong eh. peace out nalang manong. wish ko na lang na sana hindi na ulit maglandas pa ang ating mga life. haaaay.Smile


Posted at 09:56 pm by i_am_xtine
Comments (2)  

Thursday, June 15, 2006
crush list...

1. adam sandler- ganito ang tipo nang lalake na pinapangarap ko. heheh. my all-time crush... hindi nagfefade.
2. chris tiu
3. paul walker
4. jo in sung
5. orlando bloom
6. atom araullo
7. sam concepcion
8. lagsh
9. collin farrel
10. bamboo manalac
11. carlo aquino
12. eto ang pinakabago... pagmasdan nyong mabuti ang napakagwapong lalakeng ito:

LEE DONG-WOOK (MY GIRL)

sa mga migamare ko na siyang katext ko habang nanonood ng my girl, gwapo talaga ang lolo nyo... hahahah! panoorin nyo ang video na ito. hindi ko man maintindihan kung ano yung sinasabi nya at ni jasmine  at ang ibig sabihin ng kanta, ok lang... "masarap" naman ang lalakeng pinapanood ko... hahahah! hindi naman masamang i-appreciate ang ganito ka-gwapong lalake, hindi ba? hihih.

actuali, crush ko din s jasmine, yung girl nya sa my girl kaya post ko din pics nila diba... heheh...

tapos watch nyo sa video na ito ang nakakakilig na scene nila... hihih. tama na nga to... hindi naman obvious na inaabangan ko talaga ang my girl, diba mga migamare ko? heheh.

 


Posted at 09:57 pm by i_am_xtine
Comments (2)  

friends to last

oo, marami akong kaibigan... mga nakilala ko sa aking dalawampung taong pamamalagi sa mundong ito. mga nakakasama ko sa pagtahak sa daan ng buhay. mga kasama kong tumambling, lumipad, tumalon, lumangoy, tumakbo... kasama kong umiyak, tumawa, natuwa, nalungkot, nagulat, "namansin", at natuto. sa inyong lahat.. maraming salamat. alam ko hindi ako magiging kumpleto kung wala kayo, mga kaibigan ko, naging totoo man kayo sa akin o hindi, may natutunan ako sa inyo. salamat.



pagmasdang mabuti ang mga hot na hot na babaeng katabi ko. sila... sila ang mga taong mahal na mahal ko. sila lang naman ang taong di ko kayang iwan. friends to last nga diba. iyong klase ng kaibigan na matitira sa iyo at the end of the day. ang umaway sa dalawang to, lagot sa akin.


Posted at 05:26 pm by i_am_xtine
Make a comment  

Wednesday, June 14, 2006
things i got from blogthings... katuwa!

How Sinful Are You?

***Your Deadly Sins***

Gluttony: 40%
Sloth: 40%
Greed: 20%
Lust: 20%
Pride: 20%
Wrath: 20%
Envy: 0%

Chance You'll Go to Hell: 23%

You'll die from a diabetic coma.

hahahah! i'm proud of this result! my worst sins are gluttony and sloth. true! hahah! anyway, 40% lang naman. kung katakawan at katamaran ba naman ang pag-uusapan diba.. heheh. hmm... not bad result. pero ampanget naman ata ng death ko diba..??Wink


What Sort of Artist Should You Be?

***You Should Be an Actor***



You have a flair for the dramatic, and you probably already do a lot of acting in your day to day life, just to entertain yourself.
No need to steal the spotlight from your friends... You'll get plenty of attention once you start acting professionally!

oh well, thank you very much... maybe i'll try out some auditions. hahah! hmm... dream ko din talagang maging radio talent, o kaya mag-dub ng mga koreanovela, tsinovela, at kung ano-ano pang telenovelang binibili ng mga istasyong walang inisip kundi kumita ng pera. in fairness, nanonood ako ng my girl. gwapo yung bida eh. heheh. acting din naman yun diba? hmm... makapa-audition nga!Big Smile


What Type of Writer Should You Be?

***You Should Be a Song Writer***


You have the ability to evoke emotion, tell a story, and hook someone...
In a very small amount of words, perhaps with some deft rhyming.
Even if you can't write music, you can sure write compelling lyrics.
Lyrics so good, people will have them stuck in their heads!

uy, totoo ba ito? since i love to write, i took this test. hihih. song writer? ugh, disappoints me. ok na sana kaya lang xempre gusto ko ako din kakanta ng compositions ko, pano yan? eh hindi ako marunong kumanta. hahah! ni hindi nga rin ako marunong tumugtog ng instrumento. anyway, i've wirtten two songs already.. ipopost ko na lang yun later... siguro nga, totoo pa din ang result na to. i've written poems na din naman, na sana malagyan ko ng music. haaaayyy... a girl can dream...Smile


What's Your Ideal Career?

***Your Career Type: Artistic***


You are expressive, original, and independent.
Your talents lie in your artistic abilities: creative writing, drama, crafts,  music, or art.

You would make an excellent:

Actor - Art Teacher - Book Editor
Clothes Designer - Comedian - Composer
Dancer  - DJ - Graphic Designer
Illustrator - Musician - Sculptor 

The worst career options for your are conventional careers, like bank teller or secretary.

hindi nga? totoo kaya to? Actor? gaya nga ng sabi ko kanina dun sa taas, pwede... pero mas feel ko ang voice acting saka teatro. Art Teacher? mukhang hindi masyado. Book editor? pwede din. Clothes Designer? e jologs ako eh so medyo lang. Comedian? huh? Composer? feel ko to.. kahit parang hindi ako feel ng propesyong to. Dancer? ganun din... i love to express myself through dancing pero di ko pa masyadong nadidiscover kung may talent ba ako dito. DJ? isa to sa mga dapat kong magawa sa buhay ko. Graphic Designer? isa ring to sa mga papag-aralan ko. Illustrator? wala po akong masyadong talent dito. Musician? hahah! a girl can dream nga diba? Sculptor? huh ulit? wala din akong talent dito. hindi ko ma-imagine ang sarili ko na magca-carve ng mga kahoy at maglilok ng semento. hay. i love arts pero nasaan ako ngaun? hay. conventional career ang pinag-aaralan ko. kamusta naman un? ayokong maisi dito kaya shut up na ako. uhm.



take these tests at
www.blogthings.com.

Posted at 01:30 pm by i_am_xtine
Make a comment  

Tuesday, June 13, 2006
color everywhere

ewan ko ba, simula kaninang paglabas ko ng bahay papuntang school, kulay na nakikita ko sa byahe ang napagtitripan ng isipan ko. isa-isahin natin.

BLUE
ang kulay ng tricycle na nasakyan ko kanina ay blue. syempre, di ko naman agad napansin yun. nang nasa junction na kami ng manalo at lacao, napansin kong matrapik... pero puro tricycle lang naman. puro tricycle na kulay blue! wala man lang naligaw na yellow o pula. kahit mag-isa lang ako, di ko mapigilang ngumisi. ngisi talaga, hindi lang ngiti. kahit mukhang akong tangang nakangiti mag-isa (minsan lang naman). binilang ko pa yung ng mga tricycle, kamusta naman yun. 18 lahat. kasama na yung sinasakyan ko. i now therefore conclude na ang ratio ng tricycle sa puerto ay 18:1. wala lang, trip ko lang. ehpaks ba? hihih.Tongue

LAVENDER
pagbaba ko ng tricycle, sakay na agad ako ng cab. napangisi na naman ako ng makita ko yung kotseng pinipinturahan sa red&blue carwash. naalala ko tuloy yung pinaplanong motif ni mareng bingbong sa kasal nya. syempre bridesmaid ako at kagabi lang namin napag-usapan kaya fresh pa sa mind ko. ang kulay ng pintura? i guess you already know. anopebeh? LAVENDER! naging inspirasyon nya ata yung sosy mazda ng babaeng nagso-sosy high sa rexona commercial (na gusto ko ding maging akin pati na yung rebel ducati..heheh.). in fairness maganda. aba noh, hindi isang normal na pangitain ang sasakyang kulay lavender sa puerto princesa. hmm... maabangan nga kung sino ang driver.Wink
 
BROWN
tuloy ang takbo ng cab at nakangisi pa din ako. at wala akong pakialam sa mga nakasakay sa cab... although aminado akong nagmumukha akong tanga. heheh. wala nga akong pakialam diba. mas lalong lumapad ang ngisi ko nung makarating kami sa may kampo ng marines. may nakita akong dalawang asong nag-aano sa may oval nila. hindi, hindi sila nagpaparami... pano ko ba sasabihin? tumatae? oo, tumatae nga. nakakatuwa kasi para silang nakaupong hindi, tapos nakataas pareho ang mga buntot nila. ano kayang tawag nila dun? UU session? kailangan talaga sabay sila? kailangan talaga magkatabi sila? kung may kasama lang ako, tatawa na ako. kaya lang wala eh. so pinigil ko na lang kasi baka matakot na yung mga kasama ko sa cab. oo nga pala, BROWN pala yung kulay ng dalawang aso.Smile
 
PEACH
sa kulay  ng text na to, wish ko lang mabasa nyo. pero may solusyon jan diba. eto...
yan, mas kita nyo na? anyway, mabalik tayo sa kulay. nakarating na din ako sa wakas sa PSU, ang beloved school ko. dahil feeling first year ako, hindi ako nag-uniform. at dahil second day na mag-uuniform ang mga old students, ayun! nagkulay may leukemia ang PSU, PEACH. ngaun ko lang gustong itanong pagkatapos ng maraming taon ko na dito, "bakit nga kaya peach ang kulay ng PSU? bakit hindi na lang green o red? tapos bakit yung PE uniform orange?" ah, siguro kasi unique kami, kasing-unique ng kulay ng school namin. ah ewan.
ang kulay nga pala ng kuko ko ay peach. iimagine nyo na lang kung anong itsura. Wink
 
YELLOW
pagpasok ko ng lab kung saan ako may duty, ako ang muntik nang mabulag sa nakasisilaw na damit ng walong first year. tama ka, YELLOW. akala ko nga mag-iintermission number sila, para kasing sasayaw sila. nangiti na lang habang tinitingnan isa-isa ang mga ito. color of the day ba ang yellow sa klaseng ito? sa lahat pa naman ng color eto ang pinaka ayaw ko. sakit sa mata e. wapahkels kung favorite to ni ninoy. grrr... ilang oras ko ding pinagtiisan ang kulay na ito ha.Big Smile
 
hay, right now nakakulong ako dito sa lab... naghihintay ng pagpatak ng alas siyete... kasi gigimik kami ni bingbong. sana lang, paglabas ko, walang sa sasalubong sa akin na puro green, puro orange o puro pula... wala lang, kasi di ko na ila masasama dito eh. hihih.

Posted at 03:58 pm by i_am_xtine
Make a comment  

Monday, June 12, 2006
senti mode

AFTER A WHILE...

after a while,
we'll know that we can't please everybody and things won't always go our way.
after a while,
we'll choose to stop crying and make the most of each day.
after a while,
we'll learn through our past  and never again do the same mistakes.
after a while,
we'll see no harm in changing for good of our better selves.

after a while,
we'll be able to understand why things need to happen.
after a while,
we'll learn to share real love and accept each other's differences.
after a while,
we'll begin valuing basic respect that each of us deserve.
after a while,
we'll see things in a different light and wider perspective.

after a while,
we'll learn that real hapiness comes from deep within.
after a while,
we'll see that being true to ourselves is one important thing.
after a while,
we'll realize that God has reasons, known or unknown, for everything.
after a while,
we'll be able to find out our purpose of living.

So let's live our life our way one day at a time.
See the world in all its faces and cherish every moment.
Experience all the joy and feel all the pain.
Coz we'll learn it all, we'll know it all, we'll see it all...
after a while.

wala lang, nagawa ko to nung mga panahong nakita ko ang nawawala kong sarili. ang sarap ng contentment. ang sarap maging masaya.Smile


Posted at 07:47 pm by i_am_xtine
Make a comment  

Saturday, June 10, 2006
weird

pagmasdang mabuti ang larawang ito... hangkyut diba!!! wala lang, para kasing ako. kaya nga sabi ng iba weirdo daw ako. ehpaksba? hindi lang talaga ako mahilig makipagsalamuha sa tao. ehpaksba kung may sarili akong mundo? eh ito ako... anong gusto mo, hindi kita pakialaman o makipagplastikan ako sayo?

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++


Posted at 07:29 pm by i_am_xtine
Make a comment  

unang entry... yehey!

mahirap talaga pag taga-bundok ka. tapos wala ka ding sariling pc (redundant diba, sarili na, personal computer pa.. eh bakit ba?!?). tapos wala ka ding perang pambayad sa internet connection. wala lang, ang gusto ko lang sabihin... yahey! nasimulan ko na din ang matagal ko ng pinaplanong magkaroon ng blog!Big Smile

eh para san ba ang blog na to? wala lang, trip ko lang! heheheh...
oo nga pala, add nyo ko friendster ko... blueanjel_chloe@yahoo.com.
www.friendster.com/ekstin.



 

wala lang ulit.. share ko lang ang beautiful sunset na na-capture ng ko sa tagkawayan gamit ang semi-reliable kong celfonena (semi lang kasi nalowbat xa nung first day ng three-day getaway namin... eh walang kuryente sa paraiso, buti na lang nakapicture pa ko). naks.. pers pektyur por my pers entri.


Posted at 05:47 pm by i_am_xtine
Make a comment  


   

<< January 2012 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31

ako po si christine... pwedeng tine, pwedeng ten, pwedeng joy, pwede chris ako po ay half human, 1/4 goddess at 1/4 martian... i am 100% me.

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed